-- Advertisements --
LAOAG CITY – Kinumpirma ni Bombo International Correspondent Ogin Sacoco-Jung, tubong Ilocos Norte at English Teacher sa Seoul, South Korea na madali lamang malalaman kung positibo sa coronavirus ang isang tao.
Ito ay dahil sa paggamit ng mga health experts ng tinatawag na test kits upang malaman kaagad kung positibo o negatibo sa COVID-19 ang isang tao.
Paliwanag ni Jung na sa mga health centers at hospital ang mayroong test kits at mismong sila ang maghahatid ng serbisyo sa mga tatawag at para hindi na lalabas ang mga nagkakaroon ng sintomas ng virus.
Sa ngayon ay aabot na sa 1,766 ang mga positibo sa COVID-19 at nanatili sa 13 ang bilang ng mga namatay habang 26 naman ang nakalabas na sa ospital.