-- Advertisements --
DTI PTTC trade

Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) na maaaring makulong ang sinuman na gumagawa ng “prank online” o mga prank online buyers.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, kasong estafa ang kakaharapin ng mga mahuhuli sa ilalim nga Revised Penal Code kung saan mapaparusahan nang pagkakakulong.

Hinimok nito ang mga sellers or delivery personnel na itago ang mga text messages o iba pang proof sa mga gumagawa ng prank upang matulungan sila ng DTI na makahain ng reklamo sa pulis o kaya sa National Bureau of Investigation (NBI).

Kaya naman nagbabala si Castelo sa mga buyers na nangloloko o ‘yong mga wala naman talagang planong bumili pero gusto lang makaagrabyado ng mga tao na maari silang makulong kaya dapat na nila itong tigilan.