Nagprotesta ang mga mamamayan ng France dahil hindi sila sang-ayon sa plano ng kanilang Pangulo na si Emmanuel Macron na gawing mas matagal ang trabaho bago magretiro.
Nagpapakita ng malaking mayorya ng mga Pranses ang tumututol sa pagtaas ng edad ng pagreretiro sa 64y/o na isang hakbang na sinasabi ni President Macron na mahalaga upang matiyak ang posibilidad ng sistema ng pensiyon.
Ayon sa French Interior ministry, may kabuuang 1.2 milyong katao ang nakibahagi sa mga protesta sa buong bansa.
Ang mga pinuno ng nasabing nagprotesta ay nagsabing mag-oorganisa sila ng higit pang mga welga at demonstrasyon laban sa reporma sa darating Februay 7 at 11.
Una na rito, inihayag kasi ni France President na ang edad na sa pagreretiro sa bansa ay 64years old sa halip na 62 years old.