Nagsagawa na ng preventive measures ang mga kapulisan na nakatalaga sa mga pambabaeng selda sa Biñan, Laguna matapos ang napaulat na pagkamatay ng isang babaeng inmate dahil sa suspected meningococcemia.
Nakasuot ng mga facemask ang mga kapulisan bilang bahagi ng pag-iingat na sila ay hindi mahawaan.
Pansamantalnag binawalan din ang mga kaanak ng mga inmates na dumalaw.
Maging ang mga kapulisan ay hindi pinayagang makaalis hanggang hindi pa natatapos ang resulta ng pagsusuri sa bangkay.
Kumuha na ang mga doctors ng blood samples ng 133 inmates para matiyak na walang anumang sakit ang mga ito.
Sinasabing patay ang 23-anyos na babaeng inmates nitong Sabado na itinuturong dahilan ay dahil sa menniggococcemia na unang itinakbo sa pagamutan at inilipat sa Research Institute For Tropical Medical Medicine.