ILOILO CITY – Nilinaw ng Private Hospital Association- Western Visayas Chapter na hindi na nila palalawigin pa ang palugit na ibinigay sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang mabayaran ang kanilang utang na umaabot sa higit P1-billion.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Elmer Pedregosa, presidente ng nasabing asosasyon, sinabi nito na tiniyak ng state insurer na pabibilisin ang pagbayad ng unpaid claims sa mga private claims sa Western Visayas.
Ayon kay Pedregosa, nagtalaga ang Philhealth ng mga coordinators at evaluators upang mapabilis ang pag-proseso ng nasabing claims.
Aniya, napagkasunduan nila ng Philhealth na bayaran nito ang 80% na unpaid claims sa private hospitals sa Iloilo Cityy hanggang sa Enero 31.