-- Advertisements --
Inalmahan ng mga private school officials ang ang bagong polisiya na nais na ipatupad ng Bureau of Internal Revenue na naglalayong pagtaas ng 25% na buwis.
Ayon sa Coordinating Council of Private Educational Associations na hindi magandang isipin at tila kawalan ng puso sa katotohanan.
Hinikayat nila ang BIR na dapat nilang ameyendahan ang nasabing Revenue Regulation 5-2021 dahil isa itong pabigat sa mga private education sectors.
Sinabi ni Atty. Joseph Noel Estrada ang, COCOPEA managing director na sa kasalukuyan ay nahihirapan na ang mga private schools dahil sa resulta ng K-12 Act at ang kasalukuyang nararanasang COVID-19 pandemic.
Mula aniya ng magsimula ang pandemiya ay nasa 900 na private K-12 schools ang nagsara na.