Nanganganib na tumaas pa sa 76 ang kabuuang bilang ng mga lalawigan sa bansa na makararanas ng matinding epekto ng El Niño.
Ayon sa state weather bureau, ito ay posibleng maranasan sa susunod na tatlong buwan ng kasalukuyang taon.
Ito ay dahil na rin sa nalalapit na pagpasok ng ‘summer season’.
Kinumpirma ito mismo ni Task Force El Niño Spokesperson Joey Villarama habang sinabi nito na magiging kritikal ang susunod na tatlong buwan.
Bagamat hindi pa opisyal na idinedeklara ang ‘summer season’, damang dama na ang init ng panahon.
Tiniyak din nito na hindi magpapaka kampante ng gobyerno sa pagtugon sa El Nino.
Kaugnay nito ay nanawagan ang opisyal sa publiko na makilahok sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para mapagaan ang epekto ng El Nino.