-- Advertisements --

Maari pa ring makapasok sa Metro Manila ang mga produkto na galing sa iba’t-ibang probinsiya para mapanatili ang suplay.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, na inaayos na ang panuntunan para sa mga driver at delivery personnel na nagbabiyahe ng mga produkto kasunod ng ‘community quarantine’ na ipapatupad sa Metro Manila.

Dagdag pa nito na nakikipag-ugnayan na sila sa mga local government units at Department of Interior and Local Government (DILG) para matiyak na matugunan ang mga pangangailangan ng mga residente ng Metro Manila.

Magugunitang inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘community quarantine’ ang Metro Manila simula Marso 15 hanggang Abril 14 para hindi na kumalat pa ang coronavirus disease o COVID-19.