Inanunsiyo ni US President Donald Trump ang pagpataw nito ng panibagong taripa na aabot sa $330 billion sa mga Chinese-made products.
Magiging epektibo ito sa Setyembre 1, kung saan lahat ng mga Chinese goods na pumapasok sa Amerika ay mapapatawan ng taripa.
Nilinaw naman ni Trump na nagpapatuloy pa rin naman ang isinasagawang pag-uusap ng U.S. at China.
Depensa pa nito, maliit lamang ang 10% na ipapataw sa mga natitirang 300 billion dollars ng produkto mula sa China.
Nagpahiwatig din ang US president na kaniyang tatanggalin na ang naunang ipinataw na 25% taripa noong nakaraang taon.
Sa nasabing pagpataw ng taripa ay madadamay ang mga electronic products gaya ng I-phones.
“Trade talks are continuing, and during the talks the U.S. will start, on September 1st, putting a small additional Tariff of 10% on the remaining 300 Billion Dollars of goods and products coming from China into our Country,” bahagi ng Twitter message ni Trump. “This does not include the 250 Billion Dollars already Tariffed at 25%. We look forward to continuing our positive dialogue with China on a comprehensive Trade Deal, and feel that the future between our two countries will be a very bright one!”
Noong nakaraang taon ay mayroong $250 billion na ipinataw si Trump sa mga Chinese-made goods gaya ng mga industrial materials at mga sangkap nito.