-- Advertisements --

Makakabili na ng mga produktong Pinoy sa iba’t-ibang embahada ng bansa.

Sinaib ni Acting Trade Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque na target nila ang mga produkto ng mga micro, small and medium enterprises (MSME) ang mabili sa mga itatayong pamilihan sa Philippine Embassies.

Layon nito ay para makilala ang mga sikat na produktong Pinoy.

Sa ganitong paraan aniya ay madali ng makapag-kumpetensiya ang mga local products sa mga malalaking international products.