Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na maayos nilang naipatutupad ang lahat ng kanilang mga programa at serbisyo sa lahat ng mamamayang Pilipino.
Kinumpirma ito ni DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group Irene Dumlao sa isang panayam kahapon.
Ayon kay Dumlao, nanatiling hiwalay ang nga programa ng ahensya sa pulitika at ito aniya ay mayroong sariling guidelines ng pagpapatupad.
Sakali man aniya na mayroong pulitiko o local officials na makilahok sa mga aktibidad ng DSWD ay ahensya parin ang magpapatupad nito.
Ginawa ni Dumlao ang pahayag kasunod ng naging senate hearing noong Martes.
Dito ay natalakay ang umanoy selective and delayed payout activities sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program ng DSWD.
Pinabulaanan naman ito ng opisyal kasabay ng pagtitiyak na walang na-de-delay na payout mula sa kanilang ahensya.