Muling pinatunayan ng Bombo Radyo Philippines ang pagiging nangunguna sa larangan ng pamamahayag matapos na magwagi at nabigyan ng pagkilala ang ilang programa nito sa 45th Catholic Mass Media Awards.
Mayroong dalawang programa nito ang nagwagi habang limang programa ng Bombo Radyo Philippines at Star FM ang nabigyan ng special citations.
Nagwagi sa categorya ng Best Public Service Program ang “Good Morning Philippines” program ng Bombo Radyo Iloilo habang Best Entertainment Program ang “Star Weekend Favorite Lenten Special” ng 95.5 Star FM Cebu.
Nabigyan naman ng Special Citation ang mga sumusunod na programa:
Best News Feature: 95.9 Star FM Bacolod’s “Star FM Exclusive: Nanay sa Gyera”
Best Entertainment Program: DZWN Bombo Radyo Dagupan’s “Bombo Lifestyle”
Best Educational Program: 102.7 Star FM Manila’s “Pinoy Memories”
Best News Commentary: Bombo Radyo Philippines’ “Bombo Special Report”
Best Public Service: DYFM Bombo Bacolod’s “Kahapon Lamang Program”
Sa nasabing mga pagkilala at panalo ay nagpapatunay lamang ang pangunguna ng Bombo Radyo Philippines sa mga programa nito mula sa 31 fully digitalized AM at FM stations.
Lubos ang pasasalamat ng Bombo Radyo Philippines sa Catholic Mass Media Awards dahil sa pagkilala nito sa mga responsable at de kalidad na mga programa ng lahat ng Bombo Radyo at Star FM stations.
Walang sawang pasasalamat rin ng Bombo Radyo Philippines sa mga tagapakinig nito sa buong mundo.