Kinilalang muli ang mga dekalibreng programa ng Bombo Radyo Philippines sa ginanap na virtual 42nd Catholic Mass Media Awards (CMMA).
Pinangalanan bilang Best News Feature ang Top of the Hour News ng Star FM Roxas.
Samantala, nakatanggap ng Special Citation – Best Counseling Program ang Kahapon Lamang ng Bombo Radyo Iloilo, maging ang Bombo News and Views AM Edition ng Bombo Radyo Koronadal.
Una rito, umabot sa 13 mga programa ng Bombo Radyo Philippines ang kinilala bilang finalists sa naturang gawad parangal.
Ang prestihiyosong Catholic Mass Media Awards ay inilunsad ng namayapang si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin noong taong 1978 bilang pagpupugay sa mga natatanging programa mula sa iba’t ibang larangan ng media na nagsusulong ng basic human values gaya ng pagmamahal sa Diyos, respeto sa kalikasan, pagtaguyod ng positibong kaugalian ng mga Pilipino at pagpapahalaga sa buhay.
Ang iba pang mga programa ng Bombo Radyo Philippines na tinanghal din bilang mga finalists ay ang mga sumusunod:
- Best Inspirational Song: Walang Iwanan by Toto Sorioso/ Bombo Radyo Philippines
- Best News Feature: Bombo Special Report of DYFM Bombo Radyo Iloilo
- Best News Feature: Pista ng Itim na Nazareno of 102.7 Star FM Manila
- Best News Feature: People Living With Hope of 102.7 Star FM Manila
- Best News Feature: Feast of Saint Lorenzo Ruiz of Bombo Radyo Baguio
- Best Public Service Program: Bombo Lifestyle of Bombo Radyo Iloilo
- Best Counseling Program: Recuerdos dela Vida of Bombo Radyo Tuguegarao
- Best Counseling Program: Kahapon Lamang of Bombo Radyo Bacolod
- Best News Commentary: Bombo Hanay Bigtime of Bombo Radyo Baguio
- Best News Program: Bombo News and Views Afternoon Edition of Bombo Radyo Tacloban