Muling kinilala ang mga de kalidad na programa ng Bombo Radyo Philippines sa ginanap na prestihiyosong 39th Catholic Mass Media Awards (CMMA) sa Pasay City kagabi.
Umani ng awards ang mga programa ng Bombo Radyo at Star FM stations kung saan ‘wagi bilang Best Counseling Program ang “Kahapon Lamang†ng Bombo Radyo Dagupan, habang Best News Feature naman ang “St. Francis de Sales Bombo Special Feature†ng Bombo Radyo Cebu.
Panalo rin bilang Best Business Program ang “Negosyo at Empleyo sa Bombo†ng Bombo Radyo Tuguegarao, samantalang tinanghal din na kampeon ang Bombo Radyo Iloilo sa larangan ng Best Educational Program ang radio program na “Bombo Lifestyle†at muli na namang pinarangalan bilang Best News Program sa buong bansa ang “Bombo News and Views Morning Edition†ng Bombo Radyo Iloilo ang flagship station ng Bombo Radyo Philippines.
Samantala, nakatanggap naman ng Special Citation para sa Best News Feature ang “Sto. Niño Feature Story†ng Star FM Manila, at “All Star Sunday “Hossana! A Feature Story on Palm Sunday†ng Star FM Cotabato.
Una rito, umabot sa 21 mga programa ng Bombo Radyo Philippines ang kinilala bilang finalists sa nasabing gawad parangal.
Ang prestihiyosong Catholic Mass Media Awards ay inilunsad ng namayapang si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin noong taong 1978 bilang pagpupugay sa mga natatanging programa mula sa iba’t ibang larangan ng media na nagsusulong ng basic human values gaya ng pagmamahal sa Diyos, respeto sa kalikasan, pagtaguyod ng positibong kaugalian ng mga Pilipino at pagpapahalaga sa buhay.
Ang iba pang mga programa ng Bombo Radyo Philippines na tinanghal din bilang mga finalists ay ang mga sumusunod:
- -Best News Feature “Feast of Nuestra Senora dela Candelaria†of Bombo Radyo Iloilo
- -Best Entertainment Program “Bombo Harana kag Iban pa†of Bombo Radyo Iloilo
- -Best News Program “Bombo News and Views Morning Edition†of Bombo Radyo Cebu
- -Best News Commentary “World Communication Day†of Bombo Radyo Cebu
- -Best Business Program “Negosyo at Empleyo sa Bombo†of Bombo Radyo Baguio
- -Best Business Program “Negosyo at Empleyo sa Bombo†of Bombo Radyo Tuguegarao
- -Best Educational Program “Bombo Lifestyle†of Bombo Radyo Dagupan
- -Best Counseling Program“Kahapon Lamang Program†of Bombo Radyo Dagupan
- -Best Radio Ad – Public Service “No To Drugs†of Star FM Manila
- -Best News Feature “Mother Teresa Feature Story†of Star FM Cebu
- -Best News Feature “Undas 2016†by Star FM Cotabato
- -Best News Feature “What is Love? – A Valentine Special†of Bombo Radyo Naga
- -Best News Program “Bombo News and Views Morning Edition†of Bombo Radyo Tuguegarao
- -Best Drama Program “The Genesis and Messiah†by Star FM Dipolog
- -Best Drama Program “Recuerdos De La Vida†of Bombo Radyo Baguio