-- Advertisements --
Buo ang suporta ng Department of Finance sa mga programa ng Department of Health para sa mamamayang Pilipino.
Ito ang tiniyak ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto sa isang pahayag.
Ayon kay Recto, sa naging pagkikita nila ni DOH Secretary Ted Herbosa, napag-usapan nila ang mga paraan kung paano maipapaabot ang DOF ang tulong sa DOH.
Ang mga programang ito ay nagsusulong ng mga universal health care sa lahat ng mamamayang Pilipino.
Naging maganda rin aniya ang paglalatag ni Herbosa ng mga programa ng kanilang ahensya.
Sakop ng programang ito ang pagbabakuna, maternal health, tuberculosis at iba pa.
Iprenesenta rin ni Herbosa ang kanilang isinasagawang digitalization sa lahat ng mga serbisyo para sa lahat.