-- Advertisements --

ROXAS CITY – Humigit-kumulang 1,000 indibidwal mula sa iba’t ibang progresibong grupo ang sumama sa isinagawang rally sa lungsod ng Roxas kasabay ng Labor Day ngayong araw.

Ayon kay Darlyn Soriga, convenor ng Pan-ay River for Peoples Movement (PRPM), layunin umano nitong mapakita ang kanilang mariing pagtutol sa ilang mga programa at proyekto ng gobyerno.

Karamihan aniya sa mga programa ng administrasyon ni Presidente Rodrigo Duterte ay naglulugmok sa kanila sa kahirapan.

Ipinagsigawan rin ng mga ito ang kanilang apela sa gobyerno na taasan ang sweldo ng mga manggagawa dahil rin sa walang-tigil na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Nabatid na nagsimula ang grupo sa isang parade na sinundan ng isang maikling programa sa Roxas City Public Plaza.

Kasama sa naturang aktibidad ang Gabriela, Anak-Pawis, Kabataan, Bayan-Capiz at iba pang kaalyadong mga grupo.