-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Nagpasaklolo na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang property owners, kun saan ilan sa mga ito ay mga expatriates at mga matagal nang residente sa isla ng Boracay na nangangambang mapalayas sa kanilang lupain matapos na ma-classify ng pamahalaan ang kinatatayuang lugar bilang forest at public lands.

Ayon kay Datu Karabis, customary lawyer ng Indigenous People Madyaas Panay Tumandok Tribal na ang pagpapalayas sa kanila sa tinubuang lupa ay paglabag sa kanilang karapatan.

Ang binabayaran umano nilang tax declaration simula pa noong 1946 ay nagpatotoo na sila ang nagmamay-ari ng lupa.

Kinuwestiyon rin nila ang pag-convert sa isla bilang forest land mula sa agricultural land.

Nauna dito, sinampahan ng kasong kriminal ng National Bureau of Investigation ang 10 residente at property owners sa Boracay na inaresto sa Mt. Luho at Sitio Diniwid sa Brgy. Balabag dahil sa paglabag sa environmental laws matapos magpatayo ng istraktura sa sinasabing forest land.

Nangangamba ang mga residente na maraming pang pag-aresto ang magaganap matapos makatanggap ang ilang residente ng notisya mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bakantehin na o i-dismantle ang kanilang properties.