-- Advertisements --
Nagkasagupa ang mga oppositon party members at mga kapulisan sa Zimbabwe matapos na hindi sila pinayagan ng korte na magsagawa ng kilos-protesta.
Agad na binuwag kasi ng mga kapulisan ang nagtipon-tipon na grupo sa Africa Unity Square sa central business district na Harare.
Nagpakawala ng mga tear gas at pinagpapalo pa ang mga protesters na nagpumilit na magsagawa ng kilos protesta.
Inaresto rin ng mga kapulisan ang ilang mga protesters sa nasabing lugar.
Tiniyak naman ni Zimbabwe police spokesperson Paul Nyathi na kanilang iimbestigahan ang alegasyon ng mga protesters na sila ay sinaktan.
Ikinagagalit kasi ng mga taga-oppositon ang hindi pagsolusyon ni President Emmerson Mnangagwa sa bumabagsak na ekonomiya ng bansa.