-- Advertisements --
EXTRADITION
HK protest

Umani ng papuri ang mga nagsagawa ng kilos protesta sa Hong Kong matapos na walang iniwang basura matapos ang protesta.

Sa ilang mga iba’t-ibang larawan na ibinahagi ng mga mamamahayag na nag-cover sa rally ay labis silang namangha dahil matapos ang rally ay naging malinis ang kapaligiran.

Ayon sa ilang mga protesters na may kaniya-kaniyang dalang trash bag ang mga ito at matapos ang kilos-protesta ay kaniya-kaniyang pulot din sila ng kanilang mga basura.

Pinuri din ang mga nakibahagi dahil binigyan nila ng madadaanan ang mga ambulansiya at inalagaan ang mga bata at may edad.

Magugunitang mahigit dalawang milyong katao ang nagsagawa ng kilos protesta para kontrahin ang ipapatupad na extradition bill.