-- Advertisements --
Prime Minister Adel Abdul Mahdi
Prime Minister Adel Abdul Mahdi

Hindi kuntento ang mga nagsasagawa ng kilos protesta sa Iraq ang pag-anunsiyo sa pagbaba sa puwesto ni Prime Minister Adel Abdul Mahdi.

Ayon sa ilang mga protesters, na hindi sapat ang nasabing pagbaba sa puwesto ni Mahdi dahil marami na ang nasawi.

Dagdag naman ng iba na hindi mapapawi ang pagbaba sa puwesto ng mga opisyal ang mga naganap na ilang araw na kaguluhan.

Inaasahan naman na tatanggapin na ng kongreso ang resignation ng kanilang Prime Minister.

Magugunitang umabot na sa mahigit 50 katao ang nasawi ng makasagupa sila ng mga security forces.