Ipinagmalaki ng Department of Public Works and Highways ang mga proyekto ng kanilang ahensya sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ginanap na infra forum ng PCO sa New Clark City, inilatag ng ahensya ang kasalukuyang kalagayan ng mga proyekto ng ito.
Ayon kay Public Works and Highways Usec. Maria Catalina Cabral walang patid ang pagsasaayos ng mga major highways o maharlika highways sa may malaking bahagi ng Luzon.
Inilatag din ng ahensya ang planong pagpapahaba ng expressways sa Luzon katulad na lamang ng TPLEX.
Plano kasi ng ahensya na paabutin ito sa may bahagi ng lalawigan ng Laoag.
Tuloy-tuloy ani Cabral ang isinagawang repair sa mga pangunahing tulay sa National Capital Region upang mapagaan ang daloy ng trapiko lalo na tuwing rush hour.
Sa susunod na taon ay posible rin na masimulan ang isa sa pinakamalaking proyekto sa ilalim ng pamumuno ni PBBM na Bataan-Cavite Interlink.
Bukod dito ay may nilulutong proyekto rin para sa pagtatayo ng mga tulay sa Mindanao na maaaring matapos sa huling quarter ng taon.
Nakalinya rin ang mga proyekto na Panay-Guimaras-Negros Island Bridge na 31% nag tapos.
Kumpiyansa naman ang DPWH na maisasakatuparan ni PBBM ang pangarap nitong gawing powerhouse ang bansa sa buong Asya.