-- Advertisements --

Upang masiguro na walang magiging kakulangan sa supply ng tubig sa Metro Manila dahil sa nakaambang El Nino sa bansa, inilatag na ngayon ng Maynilad at Manila Water ang kanilang mga proyekto upang tugunan ang posibleng magiging epekto nito.

Sa isang pahayag, sinabi ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office Chief Regulator Patrick Lester Ty, nakatuon sila ngayon sa kanilang mga priority measures ng dalawang nabanggit na water concessionaire na tutugon sa El Nino.

Ayon naman sa Manila Water, kasama sa kanilang mga proyektong ay ang Wawa-Calawis Phase 1, at East Bay Phase 1-2.

Sinabi naman ng Maynilad na sila ay nakatutok ngayon sa kanilang limang proyekto.

Kabilang na rito ang Anabu Modified Treatment Plant, Poblacion Water Treatment Plant, at ang Putatan Modified Treatment Plant.

Prayoridad rin ng Maynilad ang pagtatayo at recativation ng mga bagong deep wells.

Inihayag rin ng Manila Water na priority nila ng cross-border Arrangement

Batay sa datos, tinatayang umabot sa higit ₱11-bilyon ang capital expenditure spending ng Manila Water habang aabot naman sa ₱16.6-billion ang sa Maynilad.

Kung maaalala, inaprubahan na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang hirit na dagdag singil ng Maynilad at Manila Water para sa taong 2024.

Layunin nitong mapabilis ang mga proyekto ng dalawang water concessionaire na tutugon sa magiging epekto ng El Niño Phenomenon sa Pilipinas