-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patuloy ang ginagawang pagsusuri ng mga kinatawan ng Provincial Project Monitoring Council (PPMC) sa pangunguna ni Sangguniang Panlalawigan Committee Chair on Infrastructure Atty. Roland D. Jungco sa iba’t-ibang proyektong imprastraktura na may kabuoang halaga na P65.6M sa bayan ng Pigcawayan, Midsayap, Libungan at Makilala Cotabato.

Kasama sa mga sinuring proyekto ay ang mga sumusunod:

  • P5M Concreting/Asphalting of Poblacion 3 Road, Pigcawayan
  • P6M Concreting/Asphalting of Road at Brgy. Upper Glad, Midsayap
  • P5M Concreting/Asphalting of Farm to Market Road, from Nat’l Highway (INC) to Mangga Hapa to Boundary Brgy. Baguer and Brgy. Ulamian, Libungan
  • P5M Concreting/Asphalting of Batiocan-Demapaco Road, Libungan
  • P5M Concreting/Asphalting of Poblacion 1 Road, Pigcawayan
  • P6M Concreting/Asphalting of Provincial Road, San Isidro to Purok 5 at Brgy. Patindegeun, Midsayap
  • P13M Concreting/Asphalting of Road at Brgy. Indangan, Makilala
  • P5.6M Site Development for the Relocation Site at Brgy. Malabuan, Makilala
  • P9.9M Construction of School Building at Brgy. Biangan, Makilala
  • P4.9M Concreting of Farm-to-Market Road at Brgy. Biangan, Makilala

Ang nasabing programa ay batay na rin sa direktiba ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa pamamagitan ng Executive Order No. 74 na bumuo sa PPMC at kinabibilangan ng mga sumusunod: Philippine Institute of Civil Engineer, Philippine Institute of Certified Public Accountant, Kidapawan City Muslim Advisory Council, Aleosan Water District, religious sector at ng Sangguniang Panlalawigan Committee Chair on Infrastructure na siguruhing naaayon sa aprubadong program of works ang mga naimplementang proyekto bago paman iturnover sa mga benepisyaryo.