Kinumpirma ng One-Stop Action Center for Strategic Investments na aabot sa P2.3 trilyon ang mga proyektong inaprubahan sa pamamagitan ng green lane noong Hunyo 20 ng taong ito.
Ayon sa ahensya, mayroon pang P793.29 billion na halaga ng proyekto para sa green lane processing.
Katumbas ito ng 59 applications at ito ay hindi pa nakaka pagsumite ng kumpletong requirements.
Sinabi ng OSACSI noong Hunyo 20, nakapag-certify na ito ng kabuuang 74 na proyekto kung saan 65 dito ay nasa renewable energy na may kabuuang $33 bilyon o P1.95 trilyon.
Limang proyekto naman na nagkakahalaga ng P338.28 bilyon ay nasa digital infrastructure at tig-dalawa sa food security at manufacturing sa P3.4 bilyon at P29.61 bilyon.
Sa nasang 74 na naprosesong proyekto, 32 dito ang nakarehistro sa Board of Investments at nagkakahalaga ng a P1.31 trilyon.