Mas lalo pang palalawakin ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang mga ginagawang hakbang upang labanan ang masamang epekto ng El Niño Phenomenon sa ating bansa.
Isa sa kanilang pinagtitibay ang Project LAWA o Local Adaptation to Water Access at BINHI o Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished.
Ang naturang programa ay sinimulan sa ilalim ng Risk Resiliency Program ng cash-for-training and work ng ahensya.
Bilang tugon, pipirma sa isang Memorandum of Understanding ang DSWD kasama ang DILG at DA- University of the Philippines – Los Baños, maging ang United Nations World Food Programme.
Sa pagtutulungan ito ay madedetermina kung ano ang mga kinakailangang interbensyon na gagawin ng sa gayon ay mabawasan ang economic vulnerability ng isang lugar sa epekto ng naturang weather condition.
Ito ay nakatakdang ganapin sa Huwebes, February 22 sa Doña Remedios Trinidad sa probinsya ng Bulacan .
Layon nito na magbigay ng Learning and Development Sessions hinggil sa Climate Change Adaptation and Mitigation and Disaster Risk Reduction maging sa cash-for-work at cash-for-training sa sa mga benepisyaryo na inaasahang maapektuhan ng El Niño dito sa Pilipinas.
Kung maaalala, inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno upang mabawasan ang epekto ng El Niño na inaasahang tatagal hanggang 2nd quarter ng kasalukuyang taon.
Una nang pinakilos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensya ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng El Niño na inaasahang tatagal hanggang sa ikalawang quarter ng 2024.