-- Advertisements --

Minamadali na ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga proyektong pabahay para sa mga Overseas Filipino Workers.

Kaugnay nito, nakipagkasundo ang Department of Human Settlements and Urban Development sa Department of Migrant Workers para gawing pormal ang pagpapalawak ng access ng mga OFWs sa murang pabahay ng pamahalaan.

Ito ay sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino ni Pangulong Marcos Jr.

Magkasamang nilagdaan ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang isang joint Memorandum Circular No. 1, Series of 2024.

Makakatuwang ng dalawang ahensya sa programa ang Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund).

Sa ilalim nito ay pinadali na ang proseso sa pag apply para sa nasabing housing program.

Ang hakbang na ito ng gobyerno ay bilang pagkilala na rin sa malaking ambag ng mga manggagawang Pilipino sa ekonomiya ng bansa.