-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Handang-handa na ang Department of Education (DepEd)-Baguio sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Hunyo 3.

Ipinagmalaki ni Dr. Federico Martin, School’s Division Superintendent ng DepEd-Baguio na mga minor repairs lamang ang isinagawa sa mga silid-aralan sa lunsod noong Brigada Eskwela.

Aniya, nakahanda na rin ang mga guro sa mga parapublikong paaralan gayundin ang mga school materials na gagamitin.

Umapela ang DepEd para sa pakikipagtulungan ng bawat isa para sa mas maayos at ligtas na pagbubukas ng klase sa darating na araw ng Lunes.