Umaasa ang ilang jeepney drivers na makakabalik na sila sa pamamasada.
Ito ay matapos na maglunsad ng panibagong service contracting program ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay LTFRB program implementing unit head Xian Alden na ang app ay maaring i-download ng mga commuters.
Mahigpit din aniya nilang babantayan ang nasabing app lalo na sa mga jeepney drivers na walang disiplina.
Ilan sa magandang dulot ng apps ay mabibigyan ng P11 kada kilometro na ibiniyahe ang mga driver kapag may good feedback ito sa mga pasahero.
Magkakaroon lamang naman sila ng deductions kapag mayroong paglabag sa health protocols at sa mga pasaway na driver.
Target ng LTFRB na maparehistro ang nasa 60,000 na jeepney drivers sa Metro Manila, Davao at Cebu para sa programa.
Mayroon na kasing mahigit 2,000 na jeepney drivers ang naunang nagparehistro.
Tatakbo lamang ng hanggang November 29 ang general registration at orientations.
Ayon sa LTFRB para makapag-register sa Service Contracting Program, narito ang mga dokumentong kailangang isumite ng mga drayber:
- Original at Photocopy ng Professional Driver’s License;
- Certification na pirmado ng operator na nagpapatunay siya ay awtorisadong drayber ng idineklarang unit;
- Dalawang (2) kopya ng photocopy ng valid ID ng Operator (likod at harap) na may tatlong pirma ng operator;
- Photocopy ng OR/CR ng mimamanehong Jeep.