Puspusan na ang pagsasanay at paghahanda ng mga pulis atleta ng Pilipinas para sa gaganaping World Police and Fire Games sa Rotterdam, Netherlands.
Sa exclusive interview ng 89.5 Star FM Baguio sa isa sa mga delegado ng kompetisyon na si Police Staff Sergeant Rodel Bustamante na tubong Tagum City, inihayag nito na bagamat maikli lang ang panahon ng kanyang pagsasanay ay handa na itong sumabak muli sa torneyo matapos itong maging silver medalist noong 2019 sa parehong palaro.
“Ito yung pangalawang pagkakataon ko na sasali sa World Police and Fire Games, kaya pinipilit kong makapag-ensayo ng maayos para maabot ko yung kondisyon ng lebel ng aking katawan. Very hard po talaga yung ensayong ginagawa ko. Lahat ng techniques, morning at afternoon ang mga training ko. Proper diet, ina-adapt ko po kahit maiksi na yung duration ng training ko para sa laban ko sa Rotterdam.”
Si PSSgt. Bustamante ay lalahok sa 4×4 400 meters relay at 5 KM walkathon categories.
Aabot nga sa mahigit dalawang daang mga pulis atleta ng bansa ang dadalo sa World Police and Fire Games sa Rotterdam, Netherlands na magsisimula sa July 22 hanggang July 31.