-- Advertisements --
PNP AKG nCoV mask

Inoobliga na ang mga pulis at mga bumibisita sa tanggapan ng Anti-Kidnapping Group (AKG) sa PNP headquarters sa Camp Crame na magsuot ng face masks.

Ito ay bilang pag-iingat na rin sa pinangangambahang pagkalat ng deadly novel coronavirus.

Sa PNP-AKG kasi maraming mga naarestong Chinese na sangkot sa kidnapping kaya maraming mga Chinese ang bumibisita sa kanilang mga nakapiit na kamag-anak.

Dahil dito, naghigpit na ang AKG sa pagtanggap ng mga bisita.

Pagpasok sa tanggapan, mayroong thermal scanner, titignan ang temperatura ng tao kung may lagnat ba ito o wala.

Hindi rin lusot sa regulasyon ang mga pulis.

Mayroon ding mga alchohol at hand sanitizer para matiyak ang kalinisan sa kampo.

Samantala, kung dating pinapayagan ang dalawang bisita, ngayon paisa-isa na lang ang bisita na pinapayagan na pumasyal sa AKG.

AKG crame face mask