Hinimok ni PNP Chief PGen. Debold Sinas ang mga pulis na huwag kalimutan mag ehersisyo, kahit na aniya suspendido pa ang physical work-out program sa Camp Crame, maari paring ituloy ng mga pulis ang pag-ehersisyo sa kanilang sarili.
Ayon Kay Sinas, self exercise lang muna ang mga pulis ngayon dahil bawal pa ang mass gatherings kaya hindi pa nila maibalik ang sabay sabay na pag exercise.
Inihayag din ni Sinas pinatanggal na niya ang quarantine facility sa Parade grounds ng Camp Crame upang magamit ang pasilidad sa pag-ehersisyo.
Importante lang aniyang sundin ang physical distancing at iba pang health protocols tulad ng pagsusuot ng mask habang nag-exercise.
Ayon pa kay Sinas, maging siya mismo ay mahigpit na sumusunod sa diet at exercise regimen para mapanatili ang kanyang body mass index o BMI
Hindi rin kasi minsan maiwasan na madagdagan ng timbang kung kulang sa physical activity sa panahon ng pandemya.
Dagdag ni Sinas, ang obesity o pagiging overweight ay maaring magresulta sa ibang mga sakit tulad ng diabetes kung saan magiging mas bulnerable ang isang indibidual sa Covid 19.
Ayon kay PNP Chief desidido siya na bawasan ang kaniyang timbang para maging mabuting halimbawa sa kaniyang mga tauhan.