-- Advertisements --

Sumampa na sa mahigit 5,000 na mga pulis ang gumaling sa Covid-19.

Mas mataas ang bilang ng mga gumagaling kumpara sa mga bagong kaso na naitala.

Sa datos ng PNP Health Service, 111 ang bagong bilang ng mga gumaling habang 75 naman ang mga bilang ng bagong kaso.

Umakyat na sa 5,093 ang total recoveries ng PNP, 1048 naman ang natitira nilang active cases.

Habang nananatili sa 17 ang namatay na mga pulis sa Covid-19.

Sa ngayon nasa 6,158 ang kabuuang bilang ng mga pulis na dinapuan ng deadly virus.