-- Advertisements --

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief police director Gen. Ronald Dela Rosa na tukoy na nila ang mga pulis na nagsisilbing hitman ng pamilya Parojinog.

Pahayag ito ni Dela Rosa, dalawang araw lang makalipas ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdakip sa mga pulis na may kinalaman sa mga mass grave na natagpuan sa Ozamiz na pinagtapunan umano ng mga biktima ng mga Parojinog.

Aniya, subject na ng kanilang operasyon ang mga nasabing pulis bagama’t hindi pa niya ito pinangalanan.

Ayon naman kay PNP Spokesman C/Supt. Dionardo Carlos, tinitignan nila ang posibleng involvement ng mga pulis na naka-assign sa Ozamiz noong panahon na maganap ang krimen.

Bumuo na aniya ang PNP ng timeline ng mga krimen upang matukoy ang mga pulis na kasabwat ng pamilya Parojinog.

Noong Miyerkules ay inanunsyo ni Pangulong Duterte ang P2 million bounty sa pagdakip sa mga pulis na ito- dead or alive.