-- Advertisements --

Hinimok ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa ang bawat isang miyembro ng pambansang pulisya na magnilay nilay ngayong Semana Santa.
Ginawa ni Dela Rosa ang panawagan sa kanyang talumpati sa regular na flag raising ceremony dito sa Camp Crame.

Pahayag ni Dela Rosa na bawat pulis ay dapat na tanungin ang kanilang mga sarili na bahagi ng reflection.

Sinabi ng heneral na dapat itanong sa mga sarili na una, kung hindi ba nasayang ang ginawang pagsasakripisyo ng panginoong Jesus matapos na magpapako ito sa krus para tubusin ang ating mga kasalanan.

Pangalawa tanungin ang kanilang mga sarili kung nakalimutan na ba nila ang kanilang motto na “to protect and to serve” at pangatlong dapat pagnilayan ng mga pulis ay kung nagiging makasarili ba ang mga ito.

Hangad ni Dela Rosa na positibo ang sagot ng lahat ng pulis sa kanyang tatlong mahahalagang tanong at kung negatibo aniya ang sagot dapat itong itama ng mga pulis.