-- Advertisements --
pnp

Nagbabala ang si National Capital Region (NCR) Police Office Chief PBGen Jonnel Estomo na masisibak sa puwesto ang sino mang pulis na sangkot sa pagpapaputok ng baril sa pagsalubong ng bagong taon.

Ayon kay General Estomo, magpapatupad siya ng 3 strict policy.

Ibig sabihin, masisibak sa pwesto ang district director kung may 3 insidente ng indiscriminate firing na kinasangkutan ng pulis sa kanilang nasasakupan.

Sibak din sa pwesto ang station commander kapag mayroong pulis sa kanyang nasasakupan na nagpaputok ng baril.

Kasong administratibo at kriminal ang isasampang kaso sa pulis na mapapatunayang sangkot sa indiscriminate firing.

Aniya dahil sa may tiwala, hindi na bubusalan ang dulo ng baril ng pulisya sa pagsalubong sa bagong taon.