Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) kung may mga Pulis ding nakiki-baklas ng mga campaign materials ng mga kandidato kahit nasa private properties.
Ito’y matapos umalma ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa inilunsad na Oplan Baklas ng Commission on Elections o COMELEC na anila’y paglabag sa karapatan ng mga botante gayundin sa batas.
Ayon kay PNP Spokesman P/Col. Jean Fajardo, kakastiguhin ang sinumang Pulis na nagbabaklas ng campaign materials sa private properties lalo na kung mayruong basbas naman ito ng may-ari.
Mahigpit ang paalala ng liderato ng PNP sa mga tauhan nito na maging non-partisan o walang kinikilingan sa panahong ito ng halalan.
Ang toka aniya ng PNP ay ang pagbabantay sa seguridad ng mga botante at kandidato habang ang COMELEC, DENR at DPWH naman ang siyang bahalang magbaklas ng mga campaign posters sa mga hindi common poster areas