Posibleng mahaharap sa kasong administratibo ang mga pulis na nakikipag-ugnayan sa International Criminal Court (ICC).Ito ang inihayag ni DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano.
Sa isang panayam dito sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Clavano na malinaw ang pahayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na walang jurisdiction sa bansa ang ICC.
Wala din ulat na natanggap ang DOJ hinggil sa pahayag ni dating Senator Antonio Trillanes na nasa 50 mga active and retired police officers ang nakausap na ng ICC.
Sinabi ni Clavano hindi nila alam kung saan nakuha ng dating senador ang kaniyang ulat.
Gayunpaman sinabi ni Clavano, kapag napatunayang nakikipag cooperate ang mga active police officers sa ICC investigation posibleng matanggal ang mga ito sa serbisyo dahil malinaw ito na sinusuway nila ang kautusan ng Pangulong Marcos.
Sinabi ni Clavano isa itong kaso ng gross neglect of duty or disobedience to authority.
Sa panig naman ng mga retired police officers wala na silang hurisdiksyon dito dahil mga sibilyan na ang mga ito.