Nilinaw ng PNP na hindi lahat ng pulis na acquitted sa Maguindanao massacre ang makakabalik sa full duty status.
Sa datos ng PNP, nasa 62 pulis ang accused kung saan 19 dito ang convicted habang 36 ang acquitted.
Pero ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac sa 36 police na acquitted 17 lamang dito ang maaring ma-reinstate to full duty status.
Paliwanag ni Banac ang status ng 17 pulis ay leave of absence without pay due to detention, ibig sabihin no work no pay ang mga ito.
Kaya hindi sila applicable na mabigyan ng mga back wages.
Dagdag pa ni Banac hindi na kailangan pa na mag-apply for reinstatement ang 17 pulis dahil ang PNP mismo ang mag-reinstate sa kanila sa full duty status kung sakali.
Bago pa sila ibalik sa regular duties isasailalim muna sila transformation and retraining, medical check up, nuero-psychiatric exam at iba pang proseso.
Habang ang 19 na mga pulis na acquitted ay kailangang umapela pa sa NAPOLCOM para sa kanilang reinstatement dahil sinibak na sila sa serbisyo dahil sa administrative case na kanilang kinaharap.