Pinayuhan ni PNP Chief PDGen. Ronald Dela Rosa ang mga pulis na mag-nilay nilay habang naka-duty ngayong Holy Week.
Ayon sa PNP Chief, walang bakasyon para sa mga pulis ngayong Semana Santa dahil naka full-alert status ang pambansang pulisya.
Una nang inihayag ng PNP na magdedeploy sila ng mga police assistance desks sa mga terminal ng bus, daungan at paliparan at maging sa kahabaan ng mga pangunahing highway patungong north at south upang umalalay sa mga manlalakbay ngayong Holy Week.
Pinatitiyak din ni PNP chief na sinusunod ng mga pulis ang kanilang security protocol lalo na sa loob at labas ng terminal.
Mahigpit din aniya ang gagawing inspeksyon ng sa gayon maiwasan na may nakapasok na mga kontrabando gaya ng mga explosives, firearms, bladed weapons at iligal na droga.