-- Advertisements --

Sinabi ni Senadora Imee Marcos na dapat ibalik sa lalong madaling panahon ang mga pulis na nakatalaga bilang security kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Marcos, na kilalang kaibigan ni Duterte, dapat ibalik ito sapagkat si VP Sara ang pangalawa sa pinakamataas na elected official sa bansa kayat hindi dapat na  makompromiso ang kaligtasan nito.

Bukod dito, sinabi pa ni Marcos na si VP Sara  tulad ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay masugid na tagapagtanggol ng law and order kaya nangunguna sila sa order of battle ng New People’s Army.

Giit pa nito, hindi niya kilala ang bagong hepe ng PNP na si General Rommel Marbil na siyang nag utos sa pagtanggal sa security detail ng pangalawang pangulo ng bansa.

Una nang sinabi ni Senador Christopher Bong Go na mas una siyang tinanggalan ng security mula sa PNP.

Tatlong pulis na naka security detail  kay Go ang  tinanggal ni General Marbil.