-- Advertisements --

Sumalang sa random drug testing ang mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) pero nagnegatibo naman sa resulta ang mga ito.

Ayon kay PNP-AKG Spokesperson PLtCol. Elmer Cereno, isinagawa ang biglaang drug test batay na rin sa kautusan ni AKG Director PCol. Jonnel Estomo.

Sinabi ni Cereno, kumuha ang AKG ng forensic chemist mula sa PNP Crime Laboratory Service upang maisagawa nang tama ang pagsusuri.

Matatandaang iniutos ni PNP Chief Oscar Albayalde ang mas pinaigting na internal cleansing upang linisin ang PNP laban sa mga pulis na nasasangkot sa ilegal na droga at iba pang uri ng krimen.