Bibigyan ng meritorious promotion ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa ang buong team ng mga pulis na nakipag sagupaan sa mga kidnappers sa San Pablo, Laguna na ikinasawi ng limang kidnappers at isang policewoman.
Dahil sa ipinakitang kabayanihan, gagawaran ng parangal ng PNP ang mga pulis na myembro ng Anti-Kidnapping Group at Candelaria MPS.
Sa pagbisita ni PNP chief sa mga sugatang pulis, sinabi ni PNP chief na ipo-promote nya ang buong team na nakipaglabas sa mga kriminal.
Nasa 20 PNP personnel ang nag operate laban sa malaking grupo ng nasabing sindikato kasama na ang sugatang sina PO1 Jeffrey Orlanes, PO1 Jujun Villaflor at PO1 Mendez.
Samantala, bilang pagkilala sa pagbubuwis buhay, isang posthumous award naman ang ipagkakaloob kay PO1 Sarah Jane Andal.
Paliwanag ni Dela Rosa, “big fish†ang nadali ng naturang mga pulis. Nabatid kasi na malaking grupo ito at malawak ang operasyon dahil “easy money†ang pakay nila sa mga High Value Target kagaya na lamang ng kanilang biktima na si Ronaldo De Guzman Arguelles.
Bagaman nalagasan ng tao, itunuturing ni DelamRosa na malaking tagumpay ang nasabing operasyon.