CENTRAL MINDANAO-Sisibakin sa serbisyo ang mga pasaway at pabaya sa trabaho na mga pulis sa rehiyon-12.
Ito ang kinomperma ni Police Regional Office-Internal Affairs Service ng (PRO-IAS) 12 Regional Director Colonel Bernardo Mendoza.
Itoy bahagi ng paglilinis sa liderato ng Philippine National Police (PNP).
Ang PNP Counter-Intelligence Task Force na siyang tututok sa mga pasaway na pulis at sasampahan ng kaso kung may magrereklamo sa kanila.
Bago lamang ay naaprobahan ang Integrated Monitoring Enforcement Group (IMEG).
Ang IMEG ay siyang inatasan na mag-imbestiga sa mga nagpabaya sa kanilang trabaho,hindi nagsusuot ng uniporme at nakikita sa sabungan.
Mahaharap rin sa kaso ang mga chief of police ng Checkpoint na makikita sa kanilang area of responsibility.
Ang mga pulis na lumalabag sa panuntunan ng kanilang pamunuan ay posibling masususpinde o kaya matanggal sa serbisyo.