Kinumpirma ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa na siyam na pulis ang responsable o nasa likod ng pamamaril sa apat na sundalo na on-official mission na ngayon ay isinailalim na sa restrictive custody at nasa ilalim ng pangangalaga ni Sulu Police Provincial Director Col. Michael Bawayan.
Nakilala ang siyam na mga pulis na sina:
- PSSg Almudzrin M Hadjaruddin
- Pat Alkajal J Mandangan
3.Pat Rajiv G Putalan - PSMS Abdelzhimar H Padjiri
- PMSg Hanie U Baddiri
- PSSg Iskandar I Susulan
- PSSg Ernisar P Sappal
- PCpl Sulki M Andaki
9.Pat Moh. Nur E Pasani
Sinabi ni Gamboa suportado nils ang imbestigasyon ng NBI, at kung anuman ang magiging rekumendasyon nito, tatalima dito ang PNP.
Lilipad bukas sina PNP Chief at AFP chief Gen. Felimon Santos patungo sa Cebu para dumalo sa interagency task force meeting.
Ayon naman kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, nagdadalamhati din ang PNP sa nangyari sa apat na sundalo, aniya may ginagawa narin hakbang ang PNP ng sa gayon hindi na maulit pa ang insidente.
Sinabi ni Banac ang insidente kahapon sa Sulu ay isang isolated case at nananatili ang kumpiyansa ng PNP at AFP sa isat isa.
Inihayag ni Banac na ang insidente sa Sulu ay kanilang itinuturing na ‘misencounter.’