-- Advertisements --
Sinampahan na ng kasong administratibo ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang 16 na pulis na sangkot sa pagpatay sa 17-anyos na si Kian delos Santos.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo, isinampa na nila ang kaso laban sa 16 na pulis kabilang ang grave misconduct, serious irregularity in the performance of duty, at serious neglect of duty.
Una rito, sinabi ni Triambulo na nakitaan ng probable cause o sapat na dahilan para sampahan ng kasong administratibo ang 16 na Caloocan police.
Tinukoy naman sina PO3 Arnel Oares, PO1Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz na umanoy nanguna sa pagpatay sa binatilyo.