Matatanggap na ng mga pulis ang kanilang health maintenance organization (HMO) cards sa Hulyo.
Ito ang magandang balita ni Philippine National Police chief Gen Rommel Franciso Marbil nang pangunahan niya ang paglulunsad ng PNP Family Day sa Camp Crame.
Sinabi ni Marbil na ang bawat HMO card ay mayroong P40,000 na magagamit ng mga pulis lalo na kapag mayroong medical emergencies.
Gayunpaman, hindi inihayag ng opisyal ang pangalan ng HMO.
Sinabi ni Marbil na ngayon lang nagkaroon ng sariling health card ang mga pulis, na magbibigay sa kanila ng katiyakan na makakatanggap sila ng agarang pangangalagang medikal kahit na wala silang pera.
Kahit may Health Service ang 232,000 na mga pulis, sinabi ni Marbil na walang ospital ang police force sa lahat ng probinsya na maaaring puntahan ng mga pulis sakaling magkaroon ng emergency.