Bilang bahagi ng Holy Week Activities ngayong taon, nagsagawa ng “Station of the Cross” ang pamunuan ng Southern Police District (SPD) na ginanap mismo sa loob ng kanilang headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Alas-7:00 kaninang umaga ng magsimula ang station of the cross na pinangunahan mismo ni Father Raymond Tapia.
Ang nasabing religious activity ngayong Good Friday ay dinaluhan ng mga pulis at maging ng kanilang mga kamag-anak.
Bagamat naka duty ang mga pulis ngayong Semana Santa, hindi rin nila nakakalimutan ang kanilang religious obligations.
Nasa 66 na mga Public Assistance Desks (PADs) ang binuo ng pamunuan ng Southern Police District na siyang aalalay sa mga pasahero at motorista na bibiyahe patungong probinsya.
Wala namang namomonitor na anumang mga significant incidents sa buong areas of responsibility ng National Capital Region Police Office (NCRPO) lalo na sa kanilang “Ligtas SUMVAC 2018.”