-- Advertisements --
probar3

Pararangalan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang 22 tauhan ng Datu Piang Police na nagtanggol sa bayan sa ginawang pag-atake ng Bangsama Moro Islamic Freedom Fighters (BIFF).


Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, paraan nila ito ng pagkilala sa katapangan na ipinakita ng mga Pulis sa pagdepensa sa kanilang kampo, sa simbahan at eskwelahan.

Sinabi ni Sinas , gumana ang Community Integrated Defense Plan (CIDP) ng Datu Piang Police kaya’t napigilan nila ang pag-atake.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng Special Promotion, Awards and Decorations Board (SPADB) sa Kampo Crame ang mga Awards na ibibigay sa kanila.

Ito ay sa pangunguna ng kanilang Chief of Police na si Police Captain Israel Bayona .

probar 1

Si Bayona ay pansamantalang tinanggal sa puwesto upang isailalim sa debriefing ngunit ngayon ay ibinalik na siya sa puwesto.

Sinasabing aabot sa 50 kasapi ng BIFF ang sumalakay sa Datu Piang, Maguindanao noong December 3 at sinunog ang kanilang patrol car ng PNP ngunit hindi na sila nakagawa pa ng karahasan nang lumaban ang mga Pulis at dumating ang kanilang reinforcement mula sa militar.


Bumisita kanina si Gen Sinas Bangsa Moro Regional Police Office sa Parang, Maguindanao kung saan muli itong pinulong ang mga pulis sa lugar.