GENERAL SANTOS CITY – Namigay ngayong araw Pebrero 14, Valentine’s Day ng mga bulaklak ang mga pulis ng Sarangani Province.
Ayon kay P/Major Wesley Matillano, chief of police ng Alabel PNP na nagbigay sila ng mga bulaklak na rose na kolor pula sa mga babae sakay sa mga dumaan ng mga sasakyan.
Dagdag pa nito na kanilang ginawa ay isang paraan para maipakita ng pulisya ang pagmamahal sa publiko.
Sa kanyang pahayag na dahil maraming pulis sa daan ang ibang mga motorista ay natakot baka huhulihin.
Ang pagbigay ng mga bulaklak ngayong Valentine’s Day ay ginawa nga buong pulisya ng Sarangani.
Kasama ng PNP Sarangani sa pagbigay ng mga bulaklak ay ang PNP Highway Patrol Group (HPG) at Order of Eagles ng Sarangani.
Ang mga motorista na nakatanggap ng bulaklak ay napangiti kasabay ng pagpapasalamat sa mga pulis.