-- Advertisements --

Hindi na papahintulutang makapasok pa sa mga nightclubs, beer gardens, karaoke bars, at pubs ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Ito’y kasunod sa inilabas na direktiba ni PNP chief Oscar Albayalde.

Mahigpit din ipinagbabawal ni Albayalde ang mga pulis na pumunta sa mga gambling establishments.

May karampatang parusa ang sinumang pulis na mahuhuling umiinom at nagsusugal sa mga ipinagbabawal na mga lugar.

Sasampahan ng kasong administratibo at matanggal pa sa serbisyo ang mga ito.

“This is a specific directive of the Chief Executive, violation of which is tantamount to Grave Misconduct that is punishable by dismissal from the service,” wika ni Albayalde.

Pinaalalahanan naman ni Albayalde ang lahat nitong mga tauha na umayos at sumunod sa mga panuntunan ng kanilang organisasyon na nakapaloob sa kanilang PNP Ethical Doctrine and the Code of Professional Conduct and Ethical Standards.